Masayang
malaman kung ano ang ating pinagmulan. Sa nakaraang pag-bisita namin noong Mayo
6, 2014 sa museum of the Filipino People at National Art Gallery, nakita namin
nang malapitan ang dating nababasa at napag-aaralan lamang sa mga libro. Ang
mga artipaks na natuklasan na naglalarawan sa ating makulay na nakaaraan. Mga
impormasyong nagpapatunay na noon pa man ay mayroon na talagang umiiral na
sibilisasyon sa ating lugar bago pa man matuklasan ng mga mananakop…
Una
naming pinuntahan ito, noong una’y naligaw pa kami kasi hindi namin alam kung
saan naroroon ang museo, sa aming pagtatanong-tanong nakarating kami sa Luneta
park doon nakita namin ang monumento nila Rajah Sulayman at Jose Rizal. Ang gusali ng Museum of the Filipino People ay orihinal na ginawa bilang isang pampublikong silid-aklatan.
Sa aming pagpasok sa ground floor nakita namin ang isang Nipa Hut house ng mga Mayaoyao Ifugao.
Sa aming pagpapatuloy at paglilibot sa ilang
palapag ng museo nakita namin ang ship wreck ng San Diego, ang mga bangang
ginagamit noon ng ating mga ninuno, ang mga kalakal na lulan ng Galleon trade,mga
artifacts na natagpuan sa ibat ibang lugar sa bansa.Nalaman at nakita din namin
ang mga labi ng sinaunang tao sa pilipinas na nahukay. Ang paraan ng kanilang
pamumuhay at mga ritwal sa paglilibing. Isa na rito ang Manunggul Jar na isalng
secondaryang libingan.ang mga banga na ito ang nagsisilbing mga kabaong nila.
Huli naming pinuntahan ang National Art Gallery, na noo’y kasalukuyang isinasaayos ang ilang silid kaya ang spolarium lamang ang aming nakita at ilang mga istatwa.
Sa aming pag uwi
daladala namin sa aming mga isipan ang mga bagay na aming natuklasan sa ating
kasaysayan na noon ay nababasa lamang sa mga aklat, napapanoo sa mga telebisyon
at naririnig sa mga kwento.Ang pag punta sa mga lugar na gaya nito ay
makadaragdag sa ating kaalaman tungkol sa’ting kasaysayan. Upang mas lalo
nating malaman at matutunan ang ating nakaraan at pinagmulan.